top of page
Search

TULA #9: NAHULOG NA NGA (Riandle)

  • Writer: Eldrian Louie Manuyag
    Eldrian Louie Manuyag
  • May 19, 2023
  • 1 min read

Sa lahat ng pwede, ba't nga ba ikaw?

Sa lahat ng kaklase, ba't ikaw?

Paanong lahat ng sakit 'yong tinunaw?

At nagsilbing liwanag sa buhay kong kay panglaw?


Akala ko'y 'di ko na mararamdamdaman ang ganito

Dahil alam ko na sa huli'y masasaktan lamang ako

Pero ewan ko nga ba, iba ang galak sa t'wing ika'y nakikita ko.


Iba ang ligaya 'pag narinig na ang ngalan mo.

'Di mo lang alam pero lagi kitang tinitignan.

Maamo mong mukha'y lagi kong sinusulyapan.

Ngiti at tawa mo'y inaabangan.


Kahit pa iba ang 'yong tinititigan.

Sa bawat pagpasok ko sa eskwela,

'Di kompleto ang araw kung 'di ka makita.

Kahit sa pag-uwi ay nasa isip kita.


Nag-alala kung kumusta ka ba? Kumain ka na ba?

Patawad pero nahulog na nga siguro ako.

Iba na nga siguro ang nadarama ko

'Di ko naman sinasadya na maramdaman ang ganito.


Gaya ng 'di ko inaakala na ika'y magiging kaibigan ko

Ito lang naman ang hinihiling ko,

Sana hanggang sa dulo, nag-uusap pa rin tayo

Sana hanggang sa dulo, magkaibigan pa rin tayo

At sana rin sa dulo maging tayo.


Dahil sa lahat ng pwede, alam ko ikaw lang!

Sa lahat ng kaklase, ikaw lang!

Ika'y mahalaga sa'kin at aking kailangan.

Dahil ika'y bahagi na at 'pag wala kay kulang.


 
 
 

Comments


bottom of page