top of page
Search

TULA #8: PAG-ASA KO'Y MALABO (Riandle)

  • Writer: Eldrian Louie Manuyag
    Eldrian Louie Manuyag
  • May 19, 2023
  • 1 min read

Araw-araw ako'y umaasa sa'yo

Umaasa na kahit sandali'y mapansin mo

Kahit bigyan lang ng ilang minuto

Para naman magkamustahan tayo


Pero iyon ay tila ba malabo

Sinlabo ng ilog na sa basura'y puno

Para tuloy sa higante ako’y nakipagbuno

Na kahit pilitin man, una palang ako na'y dehado.


Dahil sa bawat kong paghihintay

Ikaw din ay 'di mapalagay

Tila ba mayroon ding hinihintay

Na taong para sayo'y walang papantay.


Naghihintay ako na mapansin mo,

Naghihintay ka rin sa ibang tao.

Umaasa ako lagi sa'yo,

Umaasa ka rin na oras niya'y ilaan sa'yo.


Pakiramdam na mas masakit pa sa sampal.

Na tila ba sa hangin ka nakasandal

Mas mabuti na ngang mahulog sa kanal

Kaysa mahulog sa taong iba ang mahal.



 
 
 

Comentarios


bottom of page