top of page

TULA #7: ITIGIL NA (Riandle)

Writer's picture: Eldrian Louie ManuyagEldrian Louie Manuyag

Dapat nga bang ako'y tumigal na,

Itigil yaring kahibangan sa kanya?

Dapat nga bang ako'y lumimot na,

Limutin 'tong pagsintang nadarama?


Lahat sila nagsasabing, "Tama na!"

Pinipilit na ako'y iuntog sa katotohanang masakit talaga.

Pinipilit na bumitaw sa kanya

Pero heto ako, napakakulit talaga.


Araw-araw umaasa sa wala,

Naghihintay sa kanya,

Pero hanggang pag-asa na lang nga,

Dahil hindi na s'ya magpaparamdam pa.


Ako na nga siguro'y tanga,

Sa pagmamahal nang sobra,

Sa pagturing sa kanyang Dyosa,

Sa pag-asang ako'y mamahalin din n'ya.


Pero malabo na mangyari iyon,

Sinlabo ng ilog natin ngayon.

Wala na ngang pag-asa noon

At kahit ano pang gawin ko, ‘di magkakaroon.


Nawa'y maging masaya s'ya.

Wala nang sa kanya'y manggugulo pa.

Wala nang sa kanya'y mangungulit pa.

Dahil ako'y titigil na.




1 view0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page