top of page

TULA #6: MAHAL KITA KAHIT WALANG TAYO (Riandle)

Writer's picture: Eldrian Louie ManuyagEldrian Louie Manuyag

Updated: May 19, 2023

Nang una kitang masilayan sa ating paaralan

Alam mo ba ang una kong naramdaman?

Tibok ng puso ko ay bumilis nang biglaan

Marahil isang Dyosa ang namasdan


Hindi ko alam ba’t ganito?

Bakit pakiramdam ko sa iyo’y ganito?

Sa tuwing ikaw ay nakikita at nakakasama

Araw ko ay lalong sumasaya


Naalala mo pa ba nang malaman mo

Ang nararamdaman ng aking puso?

Nagulat ka pa sa tinuran ko

Hindi makapaniwalang ako’y umiibig na sa iyo


Pero sinabi mong hanggang kaibigan lang ako

At hanggang doon na lamang tayo

Pero salamat sa lahat ng mga ngiti mo

Sa mukha mong pinagmamasdan ko


Ayokong mawala ka sa buhay ko

Ayaw kong mawala yung babaeng bumihag sa puso ko

Yung mahal ko nang totoo

Yung bang babaeng bumago sa buhay ko?

Kaya kahit ano pang sabihin mo


Mahal kita kahit walang tayo

Mahal kita kahit kaibigan mo lang ako

Pero sana sa hinaharap ito ay magbago

Sana paglipas ng panahon mahal mo na ako.


1 view0 comments

Recent Posts

See All

Komentáře


bottom of page