Panibugho ang tanging natamo
Sa pagsintang lubos at totoo
Puso’y piniraso’t nalumbay
Sa paglisan nya’y nawalan rin ng kulay
Ngunit sa’yong pagdating
Aking puso’y agad mong inangkin
Kahit ako ma’y ‘di akalain
Na ika’y aking iibigin
Mula noon sa panaginip iyo nang dinadalaw
Ang isipan kong sa’yo ay uhaw
Maging sa aking pagpasok sa araw
Mukha mo lang ang nanaising matanaw.
Ikaw ang naging Athena sa aking mundo
Dyosang marikit at kay talino
Dalagang bumilanggo sa aking puso
At sya ngayong may-ari nito
Batid kong kay aga pa ng panahon
‘Di pa tama ang pagkakataon
Ako’y wala pa nga sigurong rason
Upang harapin ang mabigat pang hamon
Pero paano?,ang pagsinta’y ubod na nang lalim
Nakabaon na at hirap hugutin
Kaya sinta, wala na kong iba pang nanaisin
‘pagkat kailanman ikaw lang ang hihilingin.
Comments