top of page
Search

TULA #4: NANG ANG DYOSA AY AKING MAKILALA (Riandle)

  • Writer: Eldrian Louie Manuyag
    Eldrian Louie Manuyag
  • May 14, 2023
  • 1 min read

Updated: May 19, 2023


Ako’y agad nang naghanda Ngayon kasi ay araw ng eskwela Ako’y namangha sa aliwalas ng nakikita Mukhang buhay ko’y mag-iiba. Akin nang narating ang aking eskwela Kapansin-pansin ang isang babaeng iba Ibang uniporme, asul ang palda Sino kaya siya? Nagpatuloy ako sa pagtitig At nang makita ang mukha niyang kaakit-akit Puso ko’y bumilis ang pintig Isang Dyosa! Marikit! Isang magnanakaw! Siya’y magnanakaw! Ang puso ko’y kanyang ginunaw At ang kasawian nito ay pumanaw Binalot ng liwanag ang paligid na kay panglaw Aking nakilala ang isang Dyosa Ang babaeng sa aki’y nagpamangha Na sa aking isip ay gumagala Siya’ nag-iisa, ang Dyosa kong sinisinta.


 
 
 

Comments


bottom of page