top of page
Search

TULA #3: DAAN SA IYO (Riandle)

  • Writer: Eldrian Louie Manuyag
    Eldrian Louie Manuyag
  • May 14, 2023
  • 1 min read

Updated: May 19, 2023


Paano nga ba pumunta sa puso mo?

Paano ko makukuha ito?

Saang daan ang tatahakin ko?

Mahal, nasaan ang daan tungo sa’yo?


Ako’y nagugulmihanan

Hindi maintindihan yaring nararamdaman

Hinahanap ko ang daan,

Dan upang kita’y mahagkan


Maaari mo bang ituro?

Dahil sa ako’y nalilito.

Mahal kita pero ba’t ganito?

Kay hirap namang tahakin ang daan mo.


Pero kahit gaano man kahirap,

Pagsuko’y ‘di ko matatanggap

Pangako ‘yan kahit mahirap

Tagumpay ko’y magaganap


Ika’y akin ding matatanaw

Kahit ano pa mang kanilang pananaw

Damdamin ko’t ‘di magugunaw

At ‘di rin ito papanaw.

 
 
 

Comments


bottom of page