Walang kapantay ang sayang nadama
nang ang ikaw ay aking nakita.
Walang kapantay ang sayang nadama
nang ika'y aking muling nakasama.
Kay tagal na nga nang huli tayong magkita
Hindi ka pa rin nagbabago, wala pa ring nag-iiba.
Ang iyong ngiti ay sadya pa ring kay ganda.
Ang ngiting nagdala ng saya sa aking pag-iisa.
Ngunit tila ba may mali, may kakaiba!
Bakit nang magising ako'y wala ka na, lumisan na?
Ang lahat ay panaginip lamang pala.
Ang lahat ay panandaliang ligaya.
Ang lahat pala ay isang kathang-isip
Bunga ng isang malayang pag-idlip.
Kaya ako ngayo’y nag-iisip,
mapadpad ka kayang muli sa aking panaginip?
Ako ay matutulog na,
susubukang ipikit ang mga mata,
magbabakasakaling ika'y muling makikita
maghihintay… maghihintay na babalik ka.
Comentários