Sa bawat pagdating ng dapithapon, lulubog ang araw nang mahinahon at ang buwan ay mabibigyan ng pagkakataon upang magbigay liwanag sa gabi saan man tayo naroroon. Kakaiba ang dala n'yang kariktan na lahat ng tao'y kinahuhumalingan. Isang ngiti mula sa mapanglaw na kalangitan, ang ngiti mula sa nag-iisang buwan. Tunay na mapanglaw at malamig ang mga gabi kasabay ng mga damdaming nagtitimpi pati na ang pusong lumuluha't namimighati ngunit isang liwanag ang kumislap, ang buwan ngumiti. Napakasarap pagmasdan ng kanyang ilaw kasama ng kislap ng mga bituin sa ibabaw Kaya ang aking hiling sa napadaang bulalakaw, ang liwanag niya nawa'y hindi manakaw. Nakaramdam man ng pagdurusa at sa laban ay tila ba nag-aalinlangan na sa isang liwanag at ngiti, lahat nawala ang buwan nagbigay ng pag-asa. Sa tuwing papanglaw ang kalangitan, at ang araw ay lilisan, isang bagay ang hindi ko malilimutan, ito ay nang minsang ngumiti sa'kin ang buwan.
Image by <a href="https://pixabay.com/users/milaoktasafitri-17181411/?utm_source=link-attribution&utm_medium=referral&utm_campaign=image&utm_content=7750139">Mila Okta Safitri</a> from <a href="https://pixabay.com//?utm_source=link-attribution&utm_medium=referral&utm_campaign=image&utm_content=7750139">Pixabay</a>
Comments