top of page
Search

TULA #13: KAKAIBA PERO PANALO: SUPEREULER (Riandle)

  • Writer: Eldrian Louie Manuyag
    Eldrian Louie Manuyag
  • May 20, 2023
  • 1 min read


Hindi ko akalain na kayo'y aking makakasama

Dahil nga iba ang pangkat ko nung una

Pero tila ba mundo ko ay naiba

Nang ako sa inyo' y nalipat na.


Nang una'y mga tahimik

Mga maamong tupa na 'di umiimik

Aba! Hindi nagtagal lumabas ang tunay na kulay

Animo'y mga tandang na kung mag-ingay.


Hindi lang pala sa kaingayan,

Sa pagiging LATE hindi pahuhuli ang EULER diyan

Mga estudyanteng kay lapit lang ng bahay,

Kung mahuli parang kay layo ng pinanggalingan.


Ito talaga ang WONDERFUL SECTION para sa'kin

Yung section na nagpawalk out sa'kin

Yung section na nagpasigaw sa'kilin

At higit sa lahat eto yung section na lagi kong aalalahanin.


Yung section na may mabait na tagapayo

Yung section na sa mga contest hindi magpapatalo

Basta Euler, suportado!

Dahil magkakapatid TAYO.




 
 
 

Comments


bottom of page