top of page

TULA #12: TEHILLAH (Riandle)

Writer's picture: Eldrian Louie ManuyagEldrian Louie Manuyag

Mayroon akong ipakikilala

isang babaeng ubod ng ganda

Babaeng tulad ni Athena

Matalino na'y Maganda pa!


Siya'y tunay ngang kakaiba

'Di tulad ng ibang mga Eba

Simple lamang kung mamustura

Pero mala-Dyosa ‘pag iyong nakita.


Matagal ko na rin siyang kilala

Mula nang siya'y lumipat na

Buhay ko'y binigyan niya ng gana

Buhay ko'y bigla niyang iniba.


Siya ay tunay Kong hinahangaan

Biniyaan ng mga talento't katalinuhan

May pahabol pang kagandahan

Sino ba Naman ang 'di siya hahangaan?


Ngalan niya rin ay kakaiba

Bagay na bagay talaga sa kanya

Mahusay na pinuno rin siya

Mga proyekto niya'y sing-ganda niya.


Ngayon sana siya'y aking napasaya

Sana'y ang tulang ito'y maibigan niya

Dahil ito'y talagang para sa kaarawan niya

Siya nga pala si Tehillah.

Image by <a href="https://pixabay.com/users/gdj-1086657/?utm_source=link-attribution&amp;utm_medium=referral&amp;utm_campaign=image&amp;utm_content=7148347">Gordon Johnson</a> from <a href="https://pixabay.com//?utm_source=link-attribution&amp;utm_medium=referral&amp;utm_campaign=image&amp;utm_content=7148347">Pixabay</a>

0 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page