top of page

TULA #11: PASAWAY NA PAGSINTA (Riandle)

Writer's picture: Eldrian Louie ManuyagEldrian Louie Manuyag

Ang pasaway nga namang si Kupido

Paiibigin na lamang, doon pa sa taong may ibang gusto

Paiibigin na lamang, doon pa sa may nagmamay-ari na ng puso

Iibig na lamang, ba’t sa maling pang tao?


Kaya nga ang hirap ‘pag ika’y suminta

Mas mahirap pa sa matematika

‘Yung patuloy mong hinihintay yung wala

Tuloy, para ka nang tanga


At ‘pag nasisilayan mo silang masaya’t magkasama

Habang ikaw malungkot at nag-iisa

Nanaisin na lang na lumisan na tila ba walang nakita

Dahil sa masakit na!


Marahil ganito nga ang pagsinta

Kahit pa wasak na, patuloy pa ring aasa

Kahit batid mong mahal nya’y iba, patuloy pa ring magpapakatanga

Dahil lang sa mahal mo siyang talaga


Kaya ‘pag puso mo’y nahulog na

Puso mo’y dapat na ihanda

Na maging sobrang saya

O makaranas ng lungkot at pagdurusa


Dahil ‘pag ang puso mo’y tumibok na

Wala nang iisipin pang iba

Kahit ano pang sakit ang madama

Basta ang batid mo lang, mahal mo siya.


0 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page