top of page
Search

TULA #1: PAGTAHAK SA LANDAS (Riandle)

  • Writer: Eldrian Louie Manuyag
    Eldrian Louie Manuyag
  • Feb 14, 2023
  • 1 min read

Updated: May 19, 2023


PAGTAHAK SA LANDAS

ni Eldrian Louie Manuyag


Ang buhay ay isang paglalakbay.

Ito ay puno ng mga hamon na dapat mong magamay.

Kaya ikaw, dapat kang maghinay-hinay

dahil ang kapalaran mo ay nasa iyong kamay.


Minsan ay mga buwitreng sa landas mo'y madadaanan,

mga leon at tigreng magpapahina sa iyo nang dahan-dahan,

ahas na tutuklaw sa iyong likuran,

pero 'di ka dapat sumuko at maging matatag lang.


May mga taong darating upang ika'y tulungan,

sasamahan ka sa iyong mga laban.

Silang mga buwitre, leon, tigre, at ahas ay pawang mga pagsubok lang

Kaya mo silang magapi gaano man ang kanilang kalakasan.


Lagi mo lang isipin na ang Diyos ay nariyan.

Nariyan din ang iyong mga kaibigan.

Huwag mong pairalin ang iyong kahinaan,

bagkus isigaw, "Laban lang!"


Sa paglalakbay sa buhay,

ika'y dapat maging matibay.

Hindi puwedeng ika'y malumbay

bagkus isipin lagi na kailangan mong magtagumpay.


 
 
 

Kommentare


bottom of page